NANINIWALA ang Smart Citi Teknologi na malaki ang maiiambag ng kanilang kompanya para sa pagpapaigting ng connectivity sa industriya ng teknolohiya sa Pilipinas.
Ipinagmamalaki ni Mario Marcos, ang chief Executive Officer o CEO ng Smart Citi Teknologi ang pagkakaroon nito ng collaboration sa Tesla Technologies.
Para kay Pangulong Marcos, karangalan ng Pilipinas ang pagtutulungan ng Smart City at Tesla upang mas lalong mabibigyan ng kamalayan sa makabagong teknolohiya at kung paano ito mas makakatulong sa bansa at sa bawat Pilipino.
Kamakailan, ang dalawang kompanya ay nagkaroon ng ceremonial signing na isinagawa sa Pilipinas.
Ang Tesla ay nagdidisenyo at gumagawa ng mga de-koryenteng sasakyan, battery energy storage mula sa home to grid-scale, solar panels at solar roof tiles at marami pang iba, kaya naman maituturing na ang Tesla ay isa sa pinakamahalagang kompanya sa mundo at, ngayong 2023 ito ang pinakamahalagang automaker sa mundo.
Kaya naman kampante ang Smart Citi Teknologi na isang I.T. company na malaki ang maiaambag ng kanilang kompanya sa siyensiya at teknolohiya kagaya ng connectivity.
Bukod pa dito, higit na makakatulong sa ekonomiya at pag-usbong sa pag-unlad ng bansa ang Smart City Teknologi.