ISINAILALIM ngayon sa ‘state of calamity’ ang tatlong barangay sa Carcar City, Cebu dahil sa kaso ng African swine fever (ASF).
Batay sa report ng Carcar Veterinary Office, 600 ang mga baboy na kinakailangang patayin mula sa mga apektadong lugar.
Inihahanda na ngayon ng lokal na pamahalaan ang magiging assistance package na kanilang ibibigay sa maapektuhang hog raisers.
Tinatayang aabot sa P300K ang mawawalang kita ng isang hog raiser dahil sa culling.
