NANANATILING nakikipag-negosasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa pagpapalaya ng 17 Pinoy seafarers na hawak ng Houthi rebels simula pa noong Nobyembre 2023.
Sinabi ni DFA Usec. Eduardo de Vega, ang matitiyak pa lang nila sa ngayon ay ang ligtas na kalagayan ng mga ito.
Pinapayagan ding makapag-communicate sa kani-kanilang pamilya ang mga hostage ayon sa ahensiya.
Sa negosasyon ay katuwang ngayon ng DFA ang bansang Oman, Qatar, at Japan.
Nobyembre 19, 2023 nang ma-hijack ng Houthi rebels ng Yemen ang barkong Galaxy Leader.
Nasa 25 ang kabuuang crew members nito nang maglayag sa Red Sea.