WALANG Pinoy na nasawi o nasugatan dahil sa tumamang magnitude 7.4 na lindol sa Japan nitong Enero 1, 2024.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega, wala rin silang natanggap na ulat na may apektadong Pinoy dahil sa lindol.
Tinatayang nasa 1,300 Pilipino ang naninirahan sa Ishikawa Prefecture kung saan ang epicenter ng lindol.
Sa panig ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), patuloy nilang imo-monitor ang kalagayan ng mga Pilipino sa lugar.