Pagpapatawag ng Kamara kay Pastor ACQ para sa pagdinig ng Kamara vs SMNI, walang ‘legal basis’—Atty. Panelo

Pagpapatawag ng Kamara kay Pastor ACQ para sa pagdinig ng Kamara vs SMNI, walang ‘legal basis’—Atty. Panelo

MULING nilinaw ni Former Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na walang legal na basehan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para ipatawag sa pagdinig ng komite ng legislative franchises si Pastor Apollo C. Quiboloy kaugnay sa umano’y mga franchise violation ng SMNI.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Rep. Johnny Pimentel ng ikalawang distrito ng Surigao del Sur na kung wala aniyang itinatago ang butihing Pastor ay dapat magpakita ito sa kanilang pagdinig.

Dagdag ni Pimentel, posibleng tuluyang maipasara ang SMNI kung hindi susunod sa subpoena ng Kamara si Pastor Apollo.

Hindi naman ito sinag-ayunan ni Atty. Panelo at inihayag na malinaw namang walang kinalaman sa SMNI si Pastor Apollo base na rin sa nakasumiteng datos sa Securities and Exchange Commission (SEC).

“’Yan pong komite ng House of Representatives does not have a legal basis to summon Pastor Quiboloy kasi nga wala siyang kinalaman sa pagpapatakbo ng SMNI, ang iniimbestigahan ninyo ‘yung violation ng SMNI so why do you have to call people, persons who are not involved in the operations of the network,” pahayag ni Atty. Salvador Panelo – Former Chief Presidential Legal Counsel.

“Ano ba? Pagkatapos sasabihin ninyo pag hindi dumating sasaraduhan niyo na ang SMNI? Oh ‘di lalo na nagpakita kayo ng paglabag, paglabag sa Saligang Batas, paglabag sa karapatan ng SMNI, paglabag sa karapatan ni Pastor Quiboloy at gusto n’yo pang ipakulong dahil hindi darating,” dagdag ni Panelo.

“Eh sinasabi na nga na wala siyang kinalaman, the records of the Securities and Exchange Commission show that wala, wala siyang kinalaman sa operation ng network,” diin ni Panelo.

Mga krimeng inaakusa vs Pastor Apollo, dapat sa hukuman dinigin—Atty. Panelo

Hukuman din aniya ang nararapat na duminig sa akusasyon ng mga pekeng witness ng senadora dahil ang mga alegasyong ipinupukol nito kay Pastor Apollo ay mabibigat na krimen.

“I’ve been repeatedly saying that in fact may ginawa tayong article about diyan at sinasabi nating wala talagang dahilan for the Senate committee to investigate since the accusation is a crime or serious crime, pag crime na ang pinag-uusapan, hukuman na ang dapat maghusga diyan, kahit pumunta si Pastor doon hindi mo malalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi, bibigyan mo lamang ng plataporma para siraan siya nang siraan sa publiko kaya kailangan talaga idemanda mo na lang, idemanda mo,” dagdag pa ni Panelo.

Hinamon naman ni Atty. Panelo si Sen. Risa Hontiveros na kung sakaling padalhan ito ng ebidensiya ng panig ni Pastor Apollo na nagpapakita ng magkasalungat na sinasabi ng witness ng senadora ay dinggin niya ito nang maayos at komprontahin ang bogus na witness na ito.

“Ang challenge ko naman kay Chair Hontiveros, kailangan ‘pag natanggap mo ‘yan, ilabas mo ‘yan and confront the witness on that evidence refugating his allegations para pantay ang tingin mo sa partido,” aniya.

Matatandaan na una nang na-dismiss ang kaso ng isang witness ni Hontiveros laban kay Pastor Apollo dahil wala itong matibay na ebidensiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble