INIHAYAG ni Senator Migz Zubiri na sa halip na punahin ang findings ng Commission on Audit (COA) ay mas mainam na paunlarin ang performance ng Department of Healh (DOH) at iba pang ahensya.
Dagdag pa nito na ang mga ulat na inilalabas ng COA ay nagsisilbing guide ng mga policy maker para sa performance ng ahensya.
Iginiit naman nito na may kailangang managot sa ulat na mayroong deficiency sa paggamit ng pondo ng DOH.
Partikular aniyang dapat tutukan dito ay ang hindi nare-release na pondo para sa special risk allowance ng mga health worker.
Matatandaan na maliban sa DOH ay iniulat din ng COA na mayroong ‘underspending’ o ‘unutilized fund’ sa hanay ng DSWD.