UK, handang patuluyin sa kanilang bansa ang nasa 20,000 Afghan refugees

UK, handang patuluyin sa kanilang bansa ang nasa 20,000 Afghan refugees

NANGAKO ang United Kingdom na handa nitong tanggapin ang nasa 20,000 Afghan refugees.

Kaugnay nito, nasa 5,000 Afghans ang makakasali sa unang taon ng Afghan citizens’ resettlement scheme ng UK.

Prayoridad ng bansa na unahin ang mga mas nangangailangan ng tulong gaya ng mga kababaihan at mga bata.

Ayon kay Home Secretary Priti Patel, sinisiguro ng UK na gagawin nito ang lahat upang masuportahan ang mga nangangailangan na Afghans upang makapagsimula muli ang mga ito sa kanilang buhay sa UK.

Hinimok naman ni Patel ang iba pang mga bansa na tumulong sa pamamagitan pagsulat nito sa Daily Telegraph na ‘We Cannot Do this Alone’.

SMNI NEWS