Pagpapauwi sa labi ng 3 OFWs na nasawi sa pagbaha sa Dubai, inaasikaso na ng pamahalaan

Pagpapauwi sa labi ng 3 OFWs na nasawi sa pagbaha sa Dubai, inaasikaso na ng pamahalaan

INAASIKASO na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapauwi sa mga labi ng tatlong Overseas Filipino Worker (OFW) na nasawi sa nangyaring matinding pagbaha sa United Arab Emirates kamakailan lang.

Sa pahayag ng DMW, nakipag-ugnayan na ang Migrant Workers Office-Dubai at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga pamilya ng tatlong OFWs.

Una nang kinumpirma ni DMW Officer in Charge Undersecretary Hans Leo Cacdac na nasawi ang dalawang Pinay matapos na ma-suffocate sa loob ng kanilang sasakyan sa gitna ng pagbaha.

Habang ang isang Pinoy naman ay nasawi dahil sa mga sugat na natamo nang mahulog ang sasakyan nito sa isang sinkhole.

Dalawang kasamahan naman nito na OFW din ay sugatan at nagpapagaling na ngayon.

Patuloy naman ngayon ang pagtulong ng DMW at OWWA sa mga OFW sa bahagi ng Al Touba District sa Al Ain na matinding naapektuhan ng pag-uulan at pagbaha.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble