Pagpasa sa Anti-Dynasty Law, ipinanawagan sa halip na amyendahan ang Konstitusyon

Pagpasa sa Anti-Dynasty Law, ipinanawagan sa halip na amyendahan ang Konstitusyon

MARIING iginiit ni dating Commission on Elections (COMELEC) chairman Atty. Christian Monsod na miyembro ng 1986 Constitutional Commission, wala sa timing ang pag-amyenda sa Saligang Batas. Anti-Dynasty

Lalo na’t 73% sa mga Pilipino ayon kay Monsod batay sa isang survey ay walang alam sa usapin.

Sa halip, dapat aniya pagtuunan ng Kongreso na ipasa ang Anti-Dynasty Bill para agarang maramdaman ang pagbabago sa bansa.

Pinitik din nito ang party-list system na dapat ding amyendahan dahil nagagamit ito ng political clans na makapasok sa Kongreso.

“So instead of rushing in amending the Constitution, why don’t our legislators pass an Anti-Dynasty Law of say 4 degrees from the barangay elections this year? And how about the political abuse by political dynasties of the party-list system,’ ani Monsod. Anti-Dynasty

Ginawa naman ng batikang abogado ang pahayag matapos dumalo sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments para amyendahan ang Saligang Batas.

Sa huli, diin ni Monsod na hindi ang Konstitusyon ang problema kundi ang mga taga pamahalaan na nagpatupad nito na ang resulta, naging mahirap pa rin hanggang sa ngayon ang mga Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter