Pagpuksa sa mga natitirang CTGs, pinamamadali sa militar

Pagpuksa sa mga natitirang CTGs, pinamamadali sa militar

INATASAN ni 10th Infantry Division commander Major General Nolasco Mempin ang brigade at battalion commanders ng kanilang dibisyon na tapusin ang mga natitirang rebelde sa lalong madaling panahon.

Ginawa ni Mempin ang nasabing direktiba sa unang 10ID Command Conference para sa taong 2023 na ginanap sa Camp General Manuel T Yan Sr., Mawab, Davao de Oro.

Binigyang-diin ni Mempin ang kanyang command guidance sa 10ID para sa pagpuksa sa Guerilla Front 57.

Gayundin ang pakikipagtulungan sa Local Chief Executives sa pamamagitan ng Task Forces in Ending Local Communist Armed Conflict (TF-ELCAC) at paglalatag ng mekanismo upang hindi na makapagsagawa ng operasyon ang mga rebelde.

Unang nabuwag ng 10ID ang 12 yunit ng NPA at idineklara ang buong Region 11 bilang insurgency-free, ang ikatlong rehiyon sa bansa na gumawa nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter