HINIMOK ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na magtiwala sa kanilang kakayahan na resolbahin ang kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.
Kahapon, dumalaw sa burol ng gobernador sa Dumaguete City si PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. kasama sina House Speaker Martin Romualdez at Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.
Ayon kay Azurin, makikipagtulungan ang PNP sa lokal na awtoridad upang mabigyan ng hustisya ang lahat ng biktima sa insidente.
Pinuri naman ng Chief PNP ang Police Regional Office (PRO) 7 sa kanilang mabilis sa pag-aksyon laban sa mga suspek.
Hawak na ng PNP ang tatlong suspek at ang mga armas na ginamit umano sa pananambang sa gobernador.
Habang nasawi naman ang isang suspek na nanlaban sa mga awtoridad.