Pagsabog ng Kakhovka Dam, malaking kabaliwan na maaaring magdulot ng giyera —FPRRD

Pagsabog ng Kakhovka Dam, malaking kabaliwan na maaaring magdulot ng giyera —FPRRD

MALAKING kabaliwan na maaaring magdulot ng giyera ang pagsabog ng Kakhovka Dam, na posibleng mapilitan si Russian President Vladimir Putin na magsagawa ng radikal na hakbang kaugnay sa nuclear war ayon kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“The biggest dam in Ukraine pinaputok nila so it flooded a third of the country. Maraming nalumos na namatay and that was an insane act actually.”

“I call it an insane act and it might trigger something else,” pahayag ni FPRRD.

Ito ang sinabi ni dating Pangulong Duterte sa “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa” program kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy nang talakayin ang pagsabog at pagkasira ng Kakhovka Dam na nagdulot ng malaking kasiraan sa Silangang Europa.

Unang nag-collapse ang Kakhovka Dam noong Hunyo 6.

Nagdulot ito ng malawakang baha, at pagkasira ng agricultural lands o sakahan.

Libu-libong residente rin ang nawalan ng tahanan, at ngayo’y nangangailangan ng pagkain, elektrisidad, at malinis na tubig.

Patuloy naman na nagtuturuan ang Russia at Ukraine sa kung sino nga ba ang nagpasabog sa nasabing dam.

Ang Kakhovka Dam ay matatagpuan sa Kherson, isang rehiyon sa Ukraine, ngunit kasalukuyan itong kontrolado ng mga Russians simula nang inilunsad nila ang military invasion noong Pebrero 2022.

Para sa Russia, importante ang Kakhovka Dam dahil ginagamit nila ito upang umabante ang kanilang military forces sa katimugang bahagi ng Ukraine.

Ginagamit din ng Russian military ang tulay sa itaas ng dam upang masuplayan ang kanilang puwersa na kasalukuyang nasa mga rehiyon ng Kherson at Mykolaiv.

Malaki rin ang pinsala ng pagkasira ng dam sa Crimea, isang Ukrainian territory na kontrolado na rin ng Russia simula pa noong 2014.

Pinasaringan naman ng Ukraine ang mga paratang ng Russia at sinabing pinasabog ng Moscow ang Kakohvka Dam gamit ang isang false-flag operation para masisi ang Kyiv sa nangyari, at sirain ang kanilang kontra-opensiba laban sa Russia.

Samantala, dumistansiya naman ang Estados Unidos sa insidente.

Samantala, sa tanong ni Pastor Apollo tungkol sa sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine, ani Duterte na isang malaking kabaliwan na sirain ang Kakhovka Dam at idamay ang mga inosenteng sibilyan.

“Alam mo sa giyera, we always (have) this… ‘yung mga general pati ako, you are under me tapos may demolition team ka diyan, sirain mo ‘yung electricity and,” saad ni FPRRD.

“It’s not part of – that’s brutality, actually. ‘Yung mga infrastructure that are for civilian purposes only, huwag mong [sirain]. Tubig. Bakit mo papatayin iyong mga inosente?” aniya.

“I call it an insane act and it might trigger something else,” dagdag pa ng dating Pangulo.

“That’s why we are in a precarious time, at no other time in our generation. Sabi ko nga ngayong taon, before the year ends, it’s very critical. Sana walang mangyari,” aniya pa.

Nagbabala rin ang dating pangulo na posibleng mapilitan si Russian President Vladimir Putin na gumamit ng nuclear weapons.

Matatandaan na inaprubahan ni Putin ang pag-deploy ng tactical nuclear weapons sa bansang Belarus upang paigtingin ang kanilang seguridad.

Karamihan ng mga bansa na papaligid sa Russia at Belarus ay mga bansa na miyembro ng NATO, at ang tanging non-NATO member malapit sa Russian border ay ang Belarus at Ukraine.

Malapit ang Russia sa Latvia at Estonia na miyembro din ng NATO, habang karatig-bansa naman ng Belarus ang Estonia, Latvia, Lithuania, Poland, at NATO-ally na Ukraine.

“So mayor hindi natin ma-discount na before the end of the year talagang magka total war, Russia vs. Ukraine,” tanong ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Could be if Putin is cornered and it would behave like cornered cat, ilagay mo sa kanto wala na siyang mapuntahan, he will push the red button,” ani FPRRD.

Follow SMNI NEWS in Twitter