BINIGYANG-diin ni Vice President Sara Duterte na dapat nang tapusin ang giyera ng teroristang grupong New People’s Army (NPA).
Isinagawa ang kauna-unahang execom meeting ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Malacañang Palace nitong Miyerkules.
Dinaluhan ito ni VP Duterte kung saan siya ay itinalaga bilang co-vice chairperson ng NTF-ELCAC, pagkukumpirma ni National Security Adviser Eduardo Año.
“Her unstinting commitment to the cause of NTF-ELCAC will undoubtedly be very valuable to the Task Force and we thank her for accepting the challenge,” pahayag ni Secretary Eduardo Año, National Security Adviser.
Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni VP Sara na dapat nang tapusin ang giyera ng teroristang grupong NPA.
Ayon kay VP Duterte, ang nangyaring pagpupulong ay isang pagpapakita ng puwersa, makapangyarihang pahayag at babala laban sa terorismong ginagawa ng komunistang NPA upang pabagsakin ang pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng brainwashing, takot, at terorismo.
“This is a show of force — a clear, strong, and powerful statement and warning — against the enemies of the state who slaughter civilians and Indigenous Peoples, abduct and murder and execute members of our security forces, and attempt to pin down our progress as a nation through their ideals anchored on brainwashing, fear, and terrorism,” pahayag ni Vice President Sara Duterte, Republic of the Philippines.
Matatandaan na sa ilalim ng Executive Order (EO) 70, binuo ang NTF-ELCAC upang tumugon at magbigay ng kamalayan sa patuloy na kalupitan na ginagawa ng mga komunistang terorista na NPA.
Ang EO 70 ay nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Disyembre 4, 2018.
Mga kabataang Pilipino, hindi hahayaan na mabiktima ng CPP-NPA-NDF—VP Duterte
Ibinahagi rin ni VP Duterte na siya ring Education Secretary, ang kaniyang mga realisasyon sa kung gaano na kalalim ang problema ng insurhensiya sa Pilipinas kung saan nare-recruit ang mga estudyanteng Pilipino ng mga komunistang grupo.
“They have infiltrated our institutions and sectors, and remained a serious threat to the well-being of the Filipino people, particularly our youth. However, the enemies are also using the same as a driver in propagating their violent ideology and systematically recruiting Filipino students,” dagdag ni VP Duterte.
Pagbibigay-diin ni VP Duterte na hindi nila hahayaang patuloy na mabiktima ng mga teroristang grupo ang pagiging inosente at idealistiko ng mga kabataang Pilipino.
VP Duterte, pinaaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante vs sa CPP-NPA-NDF
Sa kabila ng lumiliit na bilang ng mga komunistang grupo, pinaalalahanan ni VP Duterte ang lahat na huwag maging kampante sa mga ginagawang hakbang na wakasan ang mga local communist armed conflict.
Dahil aniya ang pagkabigong gawin ito ay magdudulot ng higit na pagdurusa sa sambayanang Pilipino – at ang tagumpay ng CPP-NPA-NDF ay nangangahulugan ng pagbagsak ng bansa.
“Our failure will cause more suffering to the Filipino people – and their victory means the fall of our nation,” ani VP Duterte.
Pinuri ni VP Duterte ang dedikasyon ng lahat ng nakikiisa sa paglaban ng Pilipinas laban sa mga panlilinlang, karahasan, at terorismo na ginagawa ng CPP-NPA-NDF.