Pagsasagawa ng parties sa Boracay ipinagbabawal sa Biyernes Santo

Pagsasagawa ng parties sa Boracay ipinagbabawal sa Biyernes Santo

IPINAGBABAWAL sa Boracay ang pagkakaroon o pagsasagawa ng parties sa darating na Biyernes Santo ayon sa lokal na pamahalaan ng Malay.

Batay ito sa Memorandum Order 2025-33 na inilabas ni Malay Mayor Frolibar Bautista alinsunod sa Sangguniang Bayan Resolution No. 015 Series of 2009.

Saklaw ng pagbabawal na ito ang mga aktibidad na gumagamit ng malakas na musika mula alas sais ng umaga sa April 18 hanggang alas sais ng umaga sa April 19.

Paraan ito para bigyang galang ang selebrasyon ng Semana Santa ngayong linggo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble