Pagsasagawa ng survey na may kaugnayan sa eleksiyon dapat nang tuldukan—Panelo

Pagsasagawa ng survey na may kaugnayan sa eleksiyon dapat nang tuldukan—Panelo

BUMUO na ng Task Force RESPECT ang Commission on Elections (COMELEC) para tiyakin ang transparency at kredibilidad ng election surveys tuwing halalan.

Pero para kay dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, hindi lang regulasyon ang kailangan dahil dapat nang tuluyang ipagbawal ang mga election survey.

“Dapat iyan wala ng survey-survey, ‘wag nang pumayag,” ayon kay Atty. Salvador Panelo, Former Chief Presidential Legal Counsel.

Ito ang naging pahayag ni Atty. Salvador Panelo kaugnay sa inilunsad na Task Force RESPECT ng COMELEC para matiyak ang transparency at credibility ng election surveys tuwing halalan.

Matatandaan na una nang sinabi ni COMELEC Chairperson Atty. George Garcia na lahat ng survey firms ay kailangang magparehistro alinsunod sa inilabas na Supplemental Resolution No. 11117 ng poll body. Bukod dito, obligado rin ang survey firms na iulat ang kumpletong detalye ng kanilang survey, pati na ang ginastos dito.

Sa isang pulong ng COMELEC kasama ang mga survey firms, isiniwalat ni Chairperson Garcia na may isang kilalang survey firm na lumapit sa kanila at itinangging sila ang may gawa ng ilang lumalabas na survey.

“Kagaya ng ipinaliwanag ko na one-time dito, magsu-survey ka, dalawampung kandidatong senador. Sino po ba ang pipiliin niyo diyan? Dalawampu iyon, wala ‘yung pangalan mo—kandidato ka sa senador—edi wala ka sa rating. ‘Di ba ganoon lang kasimple iyon?” ani Panelo.

Dahil dito, ipinunto ni Panelo na mas mabuting gamitin na lamang ang resulta ng survey para sa private consumption at huwag na itong ipakalat sa publiko.

“Ano iyan, it creates trending. It gives false information,” aniya.

Matatandaang ilang beses nang tinutulan ni Atty. Panelo ang pagsasagawa ng mga pre-election surveys dahil aniya, hindi lang ito nakakaimpluwensiya sa opinyon ng publiko, kundi hindi rin malinaw kung sino-sino ang tinatanong at saan isinasagawa ang survey.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble