SASAMPAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nila na isinasangkot sa ilegal na droga.
Ito ang tiniyak ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. matapos irekomenda ng 5-man advisory group ang pagsibak sa serbisyo at pagsasampa ng kasong administratibo laban sa 4 na matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay Acorda, pagkukumparahin nila ang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group 990 at ang fact-finding ng National Police Commission (NAPOLCOM) para matukoy ang mga dapat mapanagot sa batas.
Una nang kinumpirma ni dating PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr., pinuno ng 5-man advisory group na inirekomenda nilang tanggapin ang courtesy resignation ng 2 police generals at 2 police colonels dahil sa pagkakaugnay sa ilegal na droga.
Ipinauubaya na rin ni Azurin sa NAPOLCOM ang aksiyon laban sa mga opisyal.