4 matataas na opisyal ng PNP, inirekomenda na alisin sa serbisyo

4 matataas na opisyal ng PNP, inirekomenda na alisin sa serbisyo

INIREKOMENDA ng 5-man advisory group na alisin sa serbisyo ang apat na matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) dahil sa ilegal na droga.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. na pinuno ng 5-man advisory group.

Ayon kay Azurin, binuo ito ng 2 police generals at 2 police colonels na bahagi ng 36 opisyal na inirekomendang masinsinang imbestigahan sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Ipinauubaya na ni Azurin sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang 4 na matataas na opisyal.

Umaasa ang dating hepe ng pulisya na panghahawakan ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang kanilang rekomendasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter