IMINUNGKAHI ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagsasapribado ng ilang government assets para mapondohan ang ipinapanukalang Maharlika Investment Fund (MIF).
Aniya, maprotektahan ng opsyong ito ang state-owned financial institutions mula sa posibleng mga investment risk.
Tatlo sa iminungkahi ni Gatchalian na maisapribado ay ang mining rights ng pamahalaan na aabot sa 100 billion pesos; bahagi ng lupa sa Food Terminal Inc. (FTI) na nagkakahalaga ng 22 billion pesos; at ang mile long property sa Makati na nagkakahalaga ng 8 billion pesos.
Sa kabuoan, aabot ito ng 130 billion pesos na maaaring maging capital para sa Maharlika Fund.
Hindi naman aniya bago ang ideyang ito dahil ang modelo na ginagamit sa ibang sovereign wealth funds ay proceeds mula sa oil at gas, proceeds mula sa ilang resources at sa privatization.