Pagsisimula ng S.Y.  2022-2023, itinakda sa Agosto 22, 2022

Pagsisimula ng S.Y. 2022-2023, itinakda sa Agosto 22, 2022

PORMAL nang sisimulan ang School Year 2022-2023 sa Agosto 22, 2022.

Batay ito sa Department of Education (DepEd) Order No. 034 Series of 2022 na nilagdaan ni DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte.

Sa DepEd order kung saan inilatag ang school calendar at mga aktibidad sa darating na school year, nakasaad na kabuuang 203 ang araw ng pasok na magtatapos sa Hulyo 7, 2023.

Magsisimula naman ang enrollment period sa Hulyo 25, 2022 at tatagal hanggang sa mismong araw ng pasukan.

Habang ang brigada eskwela ay isasagawa sa Agosto 126, 2022 at ang OPLAN Balik Eskwela ay sa Agosto 15, 2022.

Ang mga paaralan na dati nang nagsasagawa ng face-to-face classes ay magpapatuloy sa face-to-face classes.

Pinapayagan naman ng DepEd ang blended learning modalities hanggang sa Oktubre 31, 2022 upang bigyan pagkakataon ang mga paaralan para sa transition sa full face-to-face learning sa Nobyembre 2, 2022.

 

Follow SMNI News on Twitter