Education Secretary Briones, kinilala ni Pang. Dutere ang tulong nito sa IATF

Education Secretary Briones, kinilala ni Pang. Dutere ang tulong nito sa IATF

NAGPAABOT ng pasasalamat si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones matapos siyang parangalan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Iginawad ni Pangulong Duterte ang presidential award sa ilang mga kalihim sa gabinete, mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at sa iba pang mga dalubhasa sa medisina.

Nangako rin si Briones na patuloy itong magsisilbi sa mga Pilipino lalo na sa pagresponde laban sa COVID-19 pandemic sa basic education.

Mababatid na binuo ng kagawaran ang Basic Education – Learning Continuity Plan (BE-LCP) upang masigurong magpapatuloy ang edukasyon para sa mga mag-aaral sa gitna ng banta ng pandemya.

Bukod kay Briones, kinilala rin ng Malakanyang ang serbisyo nina Health Secretary Francisco Duque III, IATF-IED Chief Implementer Secretary Carlito Galver, Jr., Presidential Communications Office at Spokesperson Martin Andanar, dating cabinet Secretary Karlo Nograles, at iba pang opisyal.