Pagtaas ng income ceiling at premium rate ng PhilHealth, pinasususpinde ni PBBM

Pagtaas ng income ceiling at premium rate ng PhilHealth, pinasususpinde ni PBBM

IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagsuspinde sa pagtaas ng income ceiling at pagtaas ng premium rate o dagdag kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth ngayong 2023.

Ang pagpapaliban ng nakatakdang pagtaas sa PhilHealth premium rate at income ceiling ay base sa isang memorandum mula sa Office of the President na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Una rito, nakatakda sana ang pagtaas sa PhilHealth premium rate sa 4.5 percent, mula 4 percent.

Gayundin ang income ceiling na magiging P90,000 na sana, mula P80,000 para sa 2023 sa ilalim ng Republic Act No. 11223 (Universal Health Care Act).

Nauna nang ikinatwiran ng PhilHealth na ang nakaambang 4.5 percent na pagtaas ng premium ay makatutulong na mapanatili ang antas ng mga benepisyong kasalukuyang tinatamasa ng mga miyembro ng state-run insurance corporation.

Nakasaad pa sa naturang memo na ginawa ang kautusan sa gitna ng patuloy na dinaranas na socioeconomic problem ng mga Pilipino dahil sa pandemya.

At upang makapagbigay ng financial relief sa mga mamamayan sa gitna ng mga kinakaharap na hamon.

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Instagram