Pagtaas sa presyo ng galunggong dahil sa patong ng mga retailer—SINAG

Pagtaas sa presyo ng galunggong dahil sa patong ng mga retailer—SINAG

AYON kay Engr. Rosendo So, ang pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), taon-taon ay tumataas ang presyo ng galunggong, lalo na tuwing Semana Santa, ngunit hindi naman tumaas ang presyo ng galunggong sa farmgate, kundi ang retail price na ipinapataw ng mga nagtitinda.

“Yearly iyan lalo na sa sitwasyon, dahil iyon ang demand this coming week at ang ini-expect talaga natin tataas talaga, maski hindi tataas ‘yung farmgate nung fishermen na kumukuha sa laot ay hindi tumataas pero ‘yung retail price talaga iyon ang tumataas na sobra-sobra,” ani Engr. Rosendo So, President, SINAG.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa P200–P280 ang presyo ng galunggong, at posibleng tumaas pa ito dahil sa inaasahang pagtaas ng demand. Gayunpaman, inaasahan ni Engr. So na magbabalik normal ang presyo ng galunggong pagkatapos ng Semana Santa.

“‘Yung panahon naman natin ngayon basta maraming supplies wala tayong nakikitang problema. Itong week na ito nakikita lang natin may konting pag-spike and pressure pero mag-normalize,” ani So.

Bukod sa galunggong, tumaas na rin ang presyo ng tilapia na umaabot sa P180 sa mga probinsiya at P200 naman sa Metro Manila.

Samantala, bumaba naman ang presyo ng ilang gulay gaya ng sitaw, na ang farmgate price ay nasa P5–P8 bawat tali, na iniuugnay sa magandang ani ng mga gulay.

Pati ang presyo ng karneng baboy at manok ay bahagyang bumaba ngayong linggo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble