KINUMPIRMA ng United States – Department of Agriculture (USDA) na kumalat na sa anim na estado nito ang outbreak ng avian influenza o bird flu sa mga cattle o alagang baka.
Batay sa ulat ng Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos, apektado ang Colorado, Idaho, Michigan, New Mexico, Texas, Kansas, South Dakota, North Carolina, at Ohio.
Dahil dito, pangamba tuloy ng National Federation of Dairy Farmers and Stakeholders Association, Incorporated na posibleng kumalat ang virus sa Pilipinas.
Ito ay kung hindi mag-iingat ang pamahalaan sa mga pumapasok na mga produkto ng karneng baka at gatas.
Kaya, panawagan nila sa Department of Agriculture (DA) bigyan ito ng pansin.
“We are concerned about the dairy cows being affected by avian flu and since it is now transferring from poultry to the dairy cow have been affected kailangan ‘yung biosecurity and the measures ay it has anticipated already by the government before it become maging get out of hand kailangan as early as now they are aware of this,” ayon kay Danilo Fausto, President, National Federation of Dairy Farmers and Stakeholders Association, Inc.
Ayon pa sa kaniya, kung hindi paiigtingin ang first border quarantine ng pamahalaan at tumama ang bird flu sa mga cattle farm ay posibleng maapektuhan ang produksiyon ng baka at gatas.
“Well, ang mangyayari niyan ay within 30 days kasi ang life cycle niyan no, kapag in 30 days hindi ka na-ano at may influenza ‘yan so it spread around kasi influenza is a disease. Puwedeng ikamatay ng baka, puwedeng bumuti or kung mahina ang katawan ng baka ay mamamatay dahil sa init pa naman ngayon El Niño, it can affect the productivity of the animal no. If you do not have enough milk, lugi ‘yung dairy farmers,” dagdag ni Fausto.
DA, hindi magpapatupad ng import ban sa baka at gatas mula sa US
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Dante Palabrica na ang pagkalat ng bird flu patungo sa mga dairy cattle sa US ay hindi dapat maging sanhi ng pag-aalala para sa mga konsyumer.
Kaya, hindi aniya kailangang magpatupad ng import ban ng mga baka at gatas sa nabanggit na mga bansa.
“Kapag pinasteurize mo ‘yung milk, wala ring silbi ang AI, hindi kayang mag-infect ng tao coming from milk ng infected na baka, it’s not a big issue,” saad ni Asec. Dante Palabrica, Department of Agriculture.
Buwelta naman ng National Federation of Dairy Farmers and Stakeholders Association Incorporated, hindi dapat ito ipagsawalang-bahala ng ahensiya lalo’t ang nakasalalay ang kanilang industriya dito.
“Hindi big issue sa kanya, kasi hindi siya nag-aalaga ng baka eh. Hindi naman siya ang namumuhunan, ‘yang mga lintik na taga DA hindi naman sila ang namumuhunan, kami ang namumuhunan. Kahit small that will affect the industry dapat mayroon kang measures hindi ‘yung you just brag this aside, ano ka tamad?” ani Palabrica.