SUPORTADO ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica ang panukalang batas na isinusulong ngayon sa Kamara na layong tanggalin ang bank secrecy ng mga taga-gobyerno.
Ang aktor at kinatawan ng Quezon City 1st District na si Arjo Atayde ang nagsusulong ng panukala.
Sa umiiral na batas, lahat ng bank deposits ay absolutely confidential sanhi ng pahirapang imbestigasyon ng mga otoridad sa mga anomalya lalo na yung mga nauugnay sa korupsiyon.
Ayon kay Belgica, tama lamang na amyendahan ang bank secrecy law at tanggalin dito ang mga opisyal at kawani ng gobyerno.
Saad nito, ang public office ay public trust at kailangan dito ang transparency ng mga taga gobyerno sa lahat ng kanilang transaksyon maliban na lamang kung ito ay ‘matter of national security.’
Lalo na at may access ang public officials sa bulto-bultong pera ng taumbayan.
Binati naman ni Belgica si Atayde sa paghahain ng ganitong uri ng proposal.
“I hope it passes through other lawmakers. And I congratulate Cong Atayde for initiating the proposal,’’ ani Belgica.