PINANGUNAHAN ng Office of the Vice President (OVP) kasama ang lokal na pamahalaan ng Matag-ob sa probinsiya ng Leyte, at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagtatanim ng 8,500 puno sa 13.6 ektarya sa Brgy. Malazarte, Matag-ob.
Ayon kay Matag-ob Mayor Bernandino Tacoy, nais nilang magtanim ng milyun-milyong puno sa buong Pilipinas.
Aniya, mapalad ang bayan ng Matag-ob dahil isa rin ito sa aktibong kabahagi sa mga programa sa pangangalaga ng kapaligiran.
Sa nasabing planting activity, nasa mahigit 1,000 volunteers mula sa LGU, Fraternal Order of Eagles, at iba pang sektor ang sumali sa pagtatanim ng mga puno kung saan nauna na ring nagtanim ng 10,000 puno sa nasabing lugar.