INIHAYAG ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na requirement na sa mga contractor na mayroong flood control projects ang magtanim ng puno.
Ito ay matapos lagdaan ng kalihim ang Department No. 238 series of 2022 na nagmamandato sa mga implementing offices na magtanim ng 1,000 puno sa kada flood control project na nagkakahalaga ng 5M.
Sa kada dagdag na 5M sa kontrata ay madagdagan ng isang libong puno ang kailangan nilang itanim.
Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) naman o ang Provincial Environment and Natural Resource Office ang mag iidentify kung saan ang mga partikular na lokasyon para sa tree planting activities.
Ang naturang projekto na ito ng DPWH ay iba pa sa Mandatory Tree Replacement Program ng DENR.