APRUBADO na sa House Committee on Basic Education and Culture ang panukalang batas para magtayo ng High School for Sports sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
3 panukalang batas ang inaprubahan dito ng komite kabilang na ang proposals nina Bataan Rep. Maria Angela Garcia, Leyte Rep. Carl Carlos Cari at Baguio Rep. Mark Go.
Balak namang itayo ang High School for Sports sa Bagac Bataan, sa Baybay City sa Leyte at sa Baguio City.
Ayon sa mga mambabatas, mahalaga ang paglikha ng hiwalay na high school na nakatutok sa sports development upang maging athletically-inclined ang mga kabataang ipambabato sa world class competition.
At para hindi rin mapapabayaan ang pag-aaral ng mga batang atleta at hindi mawala ang kanilang ‘academic foundation.’
Ang proposed High School for Sports ay pangangasiwaan ng Department of Education katuwang ang Philippine Sports Commission.