Pagtatayo pa ng mga bike lane at pedestrian lanes, tutukan ng DOTr ngayong 2023

Pagtatayo pa ng mga bike lane at pedestrian lanes, tutukan ng DOTr ngayong 2023

TUTUKAN ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtatayo pa ng mga bike lane at pedestrian lane.

Ito ay alinsunod na rin sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Nakapaloob sa Chapter 12 ng PDP ang pagbibigay ng prayoridad sa mga pedestrian at siklista, at pagtatayo ng mga active mobility.

Kabilang sa mga estratehiya na gagawin ang pagsasaayos at pagbabago ng disenyo ng mga kasalukuyang kalsada at tulay, para sa kaligtasan ng mga pedestrian at siklista.

Gaya na lamang ng pagpapalawak ng sidewalks, paglalagay ng magkahiwalay na micro-mobility corridors.

Tulad ng car-free zones at bike-only roads, at iba pang public open spaces. bike lane

Follow SMNI NEWS in Twitter