BUMABABA na ang water fecal coliform level o polusyon sa tubig sa dolomite beach.
Ito ang ipinaalam ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagbubunga na ang ginagawang pagsisikap ng ahensya na maging normal ang lebel nito.
Puspusan ang implementasyon ng DENR sa ilalim ng Operational Plan for the Manila Bay Coastal Strategy.
Ito ang ipinagmalaki ng DENR makaraang bumaba na ang fecal coliform level sa Manila Bay.
Sa isang pahayag, sinabi ni Manila Bay Coordinating Office Executive Director Jacob Meimban noong Oktubre 2022 ay nakapagtala ang National Capital Region ng 51,300 mos probable number per 100 milliliters (mpn/100ml).
Mas mababa ito kumpara sa 126,000 mpn/100ml na kanilang naitalang coliform level noong 2019.
Naitala rin ng DENR ang pagbaba ng fecal coliform level sa iba pang bahagi ng Manila Bay na nasasakupan sa Region 4A at Region 3. dolomite beach
