Pagtutulungan sa General Emergency Preparedness, tinalakay ng Pilipinas at Israel

Pagtutulungan sa General Emergency Preparedness, tinalakay ng Pilipinas at Israel

TINALAKAY ng mga opisyal ng Pilipinas at Israel ang posibleng pagtutulungan sa General Emergency Preparedness at iba pang usapin sa disaster risk reduction.

Ito ay kasunod ng pagbisita ni Israel Defense Attaché to the Philippines Raz Roy Shabtay at iba pang opisyal ng Embahada ng Israel sa tanggapan ng Office of Civil Defense (OCD) sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Mainit silang tinanggap ni Civil Defense Administrator Undersecretary Raymundo Ferrer.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga opisyal ng Israel na libutin ang NDRRM Operations Center.

Nasaksihan din nila ang patuloy na monitoring at koordinasyon kaugnay ng dalawang weather disturbance na tumama sa bansa kamakailan.

Follow SMNI NEWS in Twitter