MALINAW na ipinahayag ng 1st Nominee ng Abante Sambayanan na ang pagwawakas ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa bansa ay malapit nang makamit.
Nabigyan ng pagkakataon na makapanayam ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang 1st Nominee ng Sambayanan Party-list at former CPP-NPA-NDF member na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz sa natatanging programa na nakapagbibigay ng mas malawak na impormasyon patungkol sa mga layunin ng mga kandidatong naghahangad na mabigyan ng pagkakataon na makatulong sa bansa bilang isang politiko.
Ang SMNI Exclusive program ay kakaiba sa lahat ng mga programa para sa mga kumakandidato sa 2022 elections, dahil dito ay lubos na makikilala ng mamamayang Pilipino hindi lang ang plataporma, bagkus maging ang personalidad ng mga na-interview ni Pastor Apollo ay masusulyapan din ng mga tagasubaybay nito.
Isa lamang si Celiz sa mga nakapanayam ni Pastor Apollo na nakapagpahayag ng kaniyang layunin na wakasan ang pamamayagpag ng mga komunistang teroristang CPP-NPA-NDF na nakalinya rin sa gustong mangyari ng butihing Pastor.
Iginiit ni Celiz na malapit na ang pagbagsak ng CPP-NPA-NDF sa bansa nang tanungin ito ni Pastor Apollo.
Ayon pa kay Ka Eric, malaki ang tiyansa na mawakasan ito kahit patapos na ang Duterte adminstration.
Ito ay dahil sa Marcos-Duterte tandem na talagang nagpapakita ng pagsuporta na ipagpapatuloy ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na sinimulan ni Pangulong Duterte.
Sa pagtatapos ng naturang programa ay idinalangin ng butihing Pastor si Ka Eric sa kaniyang krusada na wakasan ang mahigit 50 dekadang pamamayagpag ng CPP-NPA-NDF sa bansa.