Dating kadre, ibinulgar ang dahilan bakit negatibong balita ang inilalabas ng US State Department sa Duterte admin

Dating kadre, ibinulgar ang dahilan bakit negatibong balita ang inilalabas ng US State Department sa Duterte admin

HINDI mahawakan sa leeg ng US State Department o Estados Unidos ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa pagharap ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz sa one-on-one interview ng SMNI Exclusive kasama ang Honorary Chairman ng SMNI, Pastor Apollo C. Quiboloy, sinabi niya na ito ang dahilan kung bakit pawang mga balitang nakasisira lang sa administrasyon ang pinapalabas nila at pinapalaki.

Kasunod ito sa issue na inilabas ng US State Department kamakailan na ang mga nambobomba at pumapatay umano ng mga tao ay ang mismong mga pulis at militar.

Maging ang issue rin ng extra judicial killings sa drug war ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Ka Eric, ang impormasyong ito na nakalap ng US State Department ay galing lang sa front organization na CPP-NPA-NDF na “Karapatan”.

Ito na rin aniya ang dahilan kung bakit kinakalaban ng Estados Unidos si Pastor Apollo C. Quiboloy na nakilalang malapit na kaibigan ng presidente.

Samantala, sinabi rin ni Ka Eric na layunin ng Estados Unidos na maipanalo ang kandidatong pinapaboran nila para manatili ang kanilang kapangyarihan sa Pilipinas.

Ito ang dahilan kung bakit pilit silang nanghihimasok sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter