PINASINUNGALINGAN ni former Senate President Juan Ponce Enrile ang pahayag ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo na maraming boboto sa kanya sa Alcala, Cagayan.
Magugunitang, nagtungo si Robredo sa Cagayan upang mangampanya at sinabi sa kanyang Facebook post na maraming boboto sa kanya rito.
Kaugnay nito, nagtungo si Enrile sa Brgy. Afusing, Alcala, Cagayan ngunit sinabi ng mga ito na walang boboto kay Vice President Leni roon.
“Tinanong ko doon sa Barangay Afusing sa Alcala mismo, ‘yung bayan na pinuntahan niya, kung may mga boboto pa kay Leni Robredo, wala eh, zero, ‘yun ang narinig ko, nakita ko, naranasan ko. Nandoon ako kahapon, siguro mga apat na oras ako doon at nagkaroon po kami ng meeting doon,” ayon kay Enrile.
Samantala, pinasalamatan din ni Enrile ang pagsuporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga frontrunner na sina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at vice presidential candidate Mayor ‘Inday’ Sara Duterte.
Sa ngayon, abala rin si Enrile sa pagsuporta sa kanyang anak na si Katrina Gloria Ponce Enrile na tumaktabo bilang congresswoman sa 1st District ng Cagayan.