VP Leni Robredo, isusulong ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law

VP Leni Robredo, isusulong ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law

ISUSULONG ni Vice President at presidential candidate Leni Robredo ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law.

Inihayag ito ni Robredo sa pagbisita nito ngayong araw sa mga magsasaka sa Sumilao, Bukidnon.

Sa isang diyalogo kasama ang Sumilao Farmers Organization, pumirma si Robredo ng ‘covenant’ para sa kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda.

Kaugnay nito, sinabi ng bise presidente na kapag nahalal itong pangulo ng bansa, isusulong niya ang pagrebisa sa Rice Tariffication Law na nagdulot umano ng pahirap sa mga magsasaka.

Nagbigay naman ng katiyakan si Robredo sa Sumilao farmers na patuloy siyang maging kaisa ng mga ito sa pagtataguyod ng kanilang karapatan.

Kung matatandaan, nang magmartsa ang mga magsasaka noong 2007 mula Bukidnon hanggang Maynila para sa pakikipaglaban sa kanilang lupain sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Dito ay sinalubong at kinausap sila ni Robredo at yumaong asawa na si Jesse, noong alkalde pa ito ng Naga City.

Sinasabing kasama rin umano si Robredo sa mga nagbigay ng libreng tulong legal sa naturang mga magsasaka.

Follow SMNI News on Twitter