BINABATI ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Bise Presidente Sara Duterte-Carpio sa kanilang pormal na panunungkulan.
Ayon sa PAL ito’y hudyat ng pagsisimula ng bago at maaasahang administrasyon.
Nangangako ang PAL sa bagong pamahalaan na ipagpatuloy ang paglilingkod sa mga pangangailangan sa transportasyong panghimpapawid ng mamamayang Pilipino tulad ng ginawa nito sa nakalipas na walong dekada.
Gayundin ang pakikipagtulungan ng airlines sa bagong administrasyon sa muling pagbuhay sa paglalakbay sa himpapawid kasunod ng pandemya.