TULUY-tuloy ang pamamahagi ng titulo ng lupa ng Department of Agrarian Reform (DAR) ayon kay Sec. Conrado Estrella III sa kabila ng mas mababang naaprubahan na budget na dapat sana ay P15-B ngunit naging P9-B na lamang.
“Well understandably solve because there are more priorities, that we have to deal with. Naiintindihan naman natin ang ating Pangulo afer all, meron naman kaming unprogram din. Pero, ang budget namin for the record is P9-B. But nevertheless, we will still deliver. Of course ang aming priority ay maibigay na ang aming mga titulo sa ating mga magsasaka. Ang tagal-tagal nang panahon na hinihintay nila ‘yan,” ayon kay Sec. Conrado Estrella III, Department of Agrarian Reform.
Ani Sec. Estrella sa exclusive interview ng SMNI News North Luzon at Sonshine Radio, sa loob ng kalahating taon, noong Hulyo hanggang Disyembre 2022, nakapag-distribute ang DAR ng 26,000 titles.
Samantala, sa kabuuan ng nakaraang taon, aabot sa 70,000 titles ang naipamahagi ng DAR.
Target naman ng kagawaran na makapag-distribute ng 1 million titles sa ilalim ng termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“This year pipilitin naman ang 100,000 titles. At bago bababa ang ating Pangulo, sisiguraduhin namin makaka 1 million titles kami,” dagdag ni Estrella.
Pinuri naman ni Estrella ang mabilis na pagkilos ng Land Registration Authority sa pamamahagi ng titulo.
Gayundin ang aktibong pagtulong ng anak nito na si Gilbert Estrella sa ika-anim na distrito ng Pangasinan at sa mga barangay ng 6th District.
“Kung kaya man natin na malibre ‘yung mga gamot natin, ang ating mga serbisyo, eh poproblemahin naman nila lalo na ‘yung mga malalayo, poproblemahin naman nila ang pamasahe nila, eh ‘di sulitin na natin, puntahan na natin sila mismo para wala na silang gagastusin, ‘yan po vision po ‘yan ng aking tatay, vision po ‘yan ng aming pamilya. Ever since po, simula pa po noong lolo namin, former Gov. Conrado Estrella Sr., gusto po talaga naming makapag-provide nq quality health care na libre,” ani Estrella.
Binati at pinasalamatan naman ni DAR Sec. Estrella ang SMNI sa patuloy na pagsisiwalat ng katotohanan sa mga Pilipino.
“Para sa akin, mabuhay ang SMNI, at alam naman ninyo na ako’y suki ng SMNI. Kaya, lahat ng mga taga-pakinig, mga nanonood sa SMNI, at lahat ng mga taga-SMNI, mabuhay kayong lahat,” aniya.
Sa ngayon, halos lahat ng titulo ng lupa ay naipamahagi na sa Pangasinan at Region 1 at aniya kaunti na lamang ang bubunuin ng kagawaran partikular na sa parcelization ng collective CLOAS.