NAKAAALARMA ang pinakahuling incursion o pananatili ng mga militia vessel ng China sa Julian Felipe Reef na kabilang sa teritoryo ng Pilipinas.
Ito ang tahasang sinabi ni dating Department of the Interior and Local Government o DILG Sec. Raffy Alunan sa panayam ng SMNI News.
Nilinaw ng dating kalihim na sa ilalim ng United Nations Convention for the Law of the Sea o UNCLOS, ang Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas ay ang 200 miles extension mula sa baseline ng bansa.
Ibig sabihin, wala aniyang makapapasok sa EEZ na hindi inimbita ng bansa.
Sa kabila nito, naniniwala naman si Alunan na hindi ito mauuwi sa giyera.
Gayunman kung sakali mang magkaroon ng gulo, maaaring pumasok dito ang mutual defense treaty ng bansa sa mga bansang kaalyado nito tulad ng Estados Unidos.
Ngunit tiyak aniya na magreresulta ito ng masalimuot na labanan na hindi nakakapakinabang ng kahit aling bansa.