MAKALIPAS ang walong taon, nagbabalik sa Pilipinas ang korona at titulo ng Reina Hispanoamericana.
Kasunod ito ang pagkakapanalo ng beauty queen na si Dia Mate laban sa iba pang kandidata sa coronation night.
Bukod sa sultry gold gown, ipinamalas din ng Pinay beauty queen ang kaniyang galing sa question and answer kung natanong ito patungkol sa values na kinakailangan ng sosyodad.
Maliban naman sa naturang titulo, una nang napanalunan ni Dia Mate ang Best in National Costume Award.
Sa ngayon, ito na ang ikalawang Reina Hispanoamericana title ng Pilipinas kung saan una itong napanalunan ni Winwyn Marquez noong 2017