AKSIDENTENG namatay ang Korean actress na si Park Soo-ryun matapos itong mahulog sa hagdan, habang pauwi mula sa trabaho.
Agad isinugod sa ospital si Park, ngunit idineklara na itong brain dead.
Kasunod ng pagpanaw nito, napagdesisyonan ng pamilya ng aktres na i-donate ang natitirang organs nito.
Kasalukuyang nasa Suwon Hospital ng Gyeonggi Provincial Medical Center sa Suwon, South Korea, ang mga labi ng aktres.
Kilala si Park sa kaniyang mga K-drama na “Snowdrop”, “Siddhartha,” “Finding Kim Jong-Wook,” “Passing Through Love,” at “The Day We Loved.”