NAGBIGAY na ng tulong ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga pamilya ng dalawang overseas Filipino workers na nasawi sa magnitude 7.7 na lindol na yumanig sa Mandalay, Myanmar.
Personal na ring bumisita si DMW Sec. Hans Leo Cacdac sa mga naulilang pamilya nitong nakaraang weekend.
Sa pamamagitan naman ng Philippine Embassy sa Yangon, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kasalukuyan nang tinatrabaho ang pagsauli sa bansa ng mga labi ng dalawang OFWs.
Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang DMW sa iba pang OFWs sa Mandalay na naapektuhan ng malakas na lindol at tiniyak sa kanila ang tulong-pinansiyal mula sa Aksyon Fund ng ahensiya.