WALANG kailangang pondo para sa inaalok na ‘Pamilya Pass 1+3 Promo’ sa Metro Rail Transit (MRT-3) at Light Rail Transit (LRT-1) at 2.
Ayon sa ng Presidential Communications Office (PCO), kahit may katuwang na private sector ay gobyerno ang nagpapatakbo ng MRT at LRT kaya hindi na ito kailangang hanapan ng pondo.
Sa ilalim ng ‘Pamilya Pass 1+3 Promo’, may alok na libreng sakay ang MRT-3 at LRT-1 at 2 tuwing Linggo para sa hanggang tatlong miyembro ng pamilya kapag may isang miyembrong nagbabayad.
Sakop ng promo ang magulang, anak, lolo’t lola, kapatid, at guardian o tagapag-alaga na may mga inaasahang dependent.
Magtatagal ang promo hanggang sa huling Linggo ng Hunyo 2028.