Hindi naapektuhan ang public transportation sa ginawang dalawang araw na transport strike ng Manibela at PISTON.
Ayon ito kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III.
Hinggil naman sa mga kumakalat na larawan ng commuters habang nag-aantay ng masasakyan, sinabi ni Guadiz na normal lang ito tuwing weekdays at hindi dahil sa ginawang transport strike.
Isinagawa ng PISTON at Manibela ang kanilang transport strike noong Setyembre 23 hanggang 24, 2024.