SALUNGAT ang estado ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ni Marcos Sr. at Marcos Jr.
Isa sa halimbawa nito ang hindi pagiging self-sufficient ng Pilipinas ngayon ayon sa geopolitical analyst na si Herman Tiu-Laurel.
Sa panahon aniya ni Marcos Sr., target ng national development policy na maging self-sufficient ang bansa, lalong-lalo na sa bigas.
Kasama rin ang public ownership sa kuryente upang hindi gaanong mataas ang singil nito at maenganyo pa ang mga investor.
Ngayon, ang nangyayari batay sa obserbasyon ni Tiu-Laurel, nagiging kasabwat pa ng pamahalaan ang mga korap na tao kung kaya’t hindi umuunlad ang bansa.
Follow SMNI News on Rumble