TINIYAK ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na mababawasan na ang mga insidente ng pananabotahe, bombing incidents at iba pang kapamaraanan sa pagsira ng mga transmission grid sa bansa.
Ito ay matapos na nagkaroon ng kasunduan ang NGCP at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Ayon kay NGCP spokesperson Cynthia Alabanza, layon ng nasabing memorandum of understanding ang palitan ng mga impormasyon sa pagitan nila ng NICA.
Ibinida naman ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kahalagahan ng pagtutulungan ng dalawang ahensiya.
Dahil dito ay matitiyak na wala nang maitatalang aberya sa pagbibigay ng suplay ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng bansa.