Minimum fare sa pampasaherong jeep, ibabalik—DOTr

Minimum fare sa pampasaherong jeep, ibabalik—DOTr

IBABALIK na ng Department of Transportation (DOTr) ang fare discount sa lahat ng pampasaherong jeep sa Metro Manila at kalapit na lungsod.

Magiging 9 pesos na ang bayad para sa mga tradisyunal na jeepney.

Samantala, magiging 11 pesos naman ang magiging bayad sa modernized jeepney at 3-4 pesos naman ang ibabawas sa bus.

Maliban dito, inaalok din ang fare discount sa mga piling ruta sa buong bansa na may pinakamaraming bilang ng mga pasahero gaya ng nakasaad sa 2023 General Appropriations Act (GAA).

Layunin ng programa na matulungan ang mga commuter na mabawasan ang kanilang pasanin sa araw-araw na gastusin.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng ahensiya ang magiging fare discount sa mga UV Express.

Follow SMNI NEWS in Twitter