Panawagan ng mga tagasuporta ni FPRRD sa gobyerno ngayon, napakahalaga sa bansa—political analyst

Panawagan ng mga tagasuporta ni FPRRD sa gobyerno ngayon, napakahalaga sa bansa—political analyst

SA pangalawang pagkakataon, ikinasa ng mga tagasuporta ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Hakbang ng Maisug o Hakbang ng Matatapang kasabay ng isang prayer rally sa Cebu City.

Sa araw mismo ito ng paggunita ng ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, kung saan panawagan ng mga tagasuporta ng Duterte ang isang tapat na pamamahala, may pananagutan, at mayroong kapayapaan, at seguridad.

Ayon kay Prof. Anna Malindog-Uy, isang political analyst, napakahalaga ng ganitong panawagan sa kasalukuyang administrasyon.

‘‘Sobrang relevant ng mga panawagan ng transparency, accountability. Kung titingnan niyo ang transparency and accountability may kinalaman ‘yan sa blatant at latent na korapsiyon na nangyayari ngayon sa ating bansa, right now under this administration,’’ ayon kay Prof. Anna Malindog-Uy, Political Analyst.

Gayundin aniya ang usapin sa food security, poverty, at peace and order.

Dapat din aniyang panatilihin ng bansa ang kapayapaan lalo na sa China dahil sa tumitinding hidwaan sa West Philippine Sea.

‘‘Napaka-importanteng issue ‘yun kasi ayaw natin magamit ng kahit anong bansa na major power na gamitin tayong props sa labanang hindi natin gusto,” ayon pa kay Prof. Uy.

Sa usaping ito, hindi na naiwasang magkumpara ni Prof. Uy sa sa kaniyang karanasan sa Duterte at Marcos administration.

‘‘Alam ko hindi tayo mapapahamak sa gulo ng ibang bansa because PRRD will not allowed any country to control the Philippines. Ang Pilipino ang pinapakinggan hindi ang banyaga,” aniya Uy.

Samantala, tinumbok din ni Prof. Uy ang usapin sa malayang pamamahayag.

Nakikita nito na na takot na ang mga Pilipino na magsalita ngayon sa mga isyu sa bansa dahil aniya sa kawalan ng transparency at panunupil sa ganitong karapatan.

‘‘Parang may atmosphere na if we criticize or ask question on critical issues, imbes na sagutin, nagkakaroon ng resbak ang nagtatanong, siya pa ang napupunta sa alanganing sitwasyon,’’ saad pa ni Uy.

Matatandaang sa isang programa ng SMNI, tinanong ng hosts nito kung totoo bang nasa P1.8-B ang travel expense ng House Speaker.

Itinanggi naman ito ng House Speaker, ngunit kasunod nito, agad namang kinuwestiyon ang prangkisa ng SMNI at ang ngayon ay pinangangambahang ipasara ng Kongreso.

Hiling naman ni Prof. Uy na sana ay hindi ito magtuluy-tuloy dahil baka maulit ang kasaysayan sa panahon ng kaniyang tatay kung saan nag-alsa ang mamamayan laban sa kanilang pamamahala.

Panawagan ni Prof. Uy sa bawat Pilipino na mangialam sa mga isyu sa lipunan dahil nakasalalay sa kamay ng taumbayan ang patutunguhan ng Pilipinas.

‘‘At the end of the day kung hindi maganda ang nangyayari sa bayan mo, ang Pilipino ang magsa-suffer niyan short-term or long-term. So, what would you do? You need to be an active citizen. How would you do it? You have to make it sure that you are informed about the issues happening in the country. And then you say something, you put your opinion out there, and you clamor for things like transparency and accountability, peace and security; because these are basic things that the country should have,’’ dagdag pa ni Uy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble