Pangakong tulong ni Duterte, natanggap na ng Palawan LGU

NATANGGAP na ng Palawan Provincial Government ang pondong ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette.

Kinumpirma ito ni Palawan Governor Jose Chaves Alvarez na aabot sa P118 milyon ang kanilang natanggap mula sa national government.

Sinabi ni Gov. Alvares na ino-organisa na ng mga department head ng pamahalaang panlalawigan ang pagbahagi sa nasabing pondo para sa mga biktima ng bagyo.

Mababatid na ipinangako ni Pangulong Duterte sa pagbisita nito sa Puerto Princesa na magbibigay ito ng pinansyal na tulong sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter