Pangalawang kaso ng Omicron variant, natukoy sa Malaysia

NATUKOY ang pangalawang kaso ng Omicron variant sa Malaysia na kinasasangkutan ng isang batang babae na Malaysian.

Dumating ang batang babae sa Malaysia sa pamamagitan ng transit flight mula Doha, Quatar kasama ang kanyang ina at kapatid noong Disyembre 5.

Ang pamilya ng batang babae ay naninirahan sa Lagos, Nigeria.

Sa isinagawang pagsusuri sa KLIA, ang batang babae ay nagpositibo sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.

Samantala, negatibo ang nanay at kapatid ng babae, gayundin ang driver ng taxi sa lahat ng ginawang COVID-19 tests sa kanila.

Sa ngayon, ang batang babae na nagpositibo ng kaso ng Omicron variant ay nakaisolate at home quarantine sa loob ng 14 na araw.

SMNI NEWS