Pangongolekta ng placement fee sa OFWs, ipinatitigil ng Senado

Pangongolekta ng placement fee sa OFWs, ipinatitigil ng Senado

IPINATITIGIL na ang pangongolekta ng placement fee mula sa mga Pilipinong nag-aaply o nagnanais na magtrabaho abroad.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, batay sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act, nakasaad dito na wala dapat na anumang binabayaran ang OFWs.

Halimbawa na rito ang recruitment, introduction, placement at assistance fees.

Ani Villanueva, mainam din na gawing modelo ng Pilipinas ang ginagawa ng Japan dahil wala itong hinihinging placement fee.

Sa panig ni Sen. Koko Pimentel, ang foreign employers ang nararapat na kolektahan ng placement fees dahil sila rin naman ang tatanggap sa mga OFW.

Follow SMNI NEWS in Twitter