Pangulong Duterte, tiyak na mananalo kung tatakbong senador sa 2022- Pastor Apollo C. Quiboloy

Pangulong Duterte, tiyak na mananalo kung tatakbong senador sa 2022- Pastor Apollo C. Quiboloy

TIYAK na mananalong senador si Pangulong Rodrigo Duterte kung tatakbo ito sa senatorial race sa 2022 ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Inamin kamakailan ni PDP-laban President Alfonso Cusi na kinukumbinsi nila ngayon is Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa 2022 elections.

Ito’y matapos umatras ang punong ehekutibo sa pagsali sa vice-presidential race sa paparating na botohan.

Sa programang Powerline ngayong hapon, sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ, na sure win na kung tatakbong senador si PRRD.

“Well nasa Pangulo yun yung offer ng PDP na yan. Noon ang offer nila si Vice President siya, tinanggap niya pero at the last hindi siya tumakbo. Ngayon they are offering na hinihimok siyang tumakbo bilang senador, nasa sakanya yon kung magre-retire siya o magpapatuloy siya. Kung tatanggapin niya yung pagiging senador, siguradong mananalo siya, number 1 siya,”ayon kay Pastor Apollo.

Ani Pastor Apollo, posibleng rin na maupong Senate President si PRRD.

“At baka maging senate president pa siya at maging member ng blue ribbon committee siya naman ngayon ang gigisa sa kanila. Eh nasa sa pangulo na yon, nasa sa kanya na yun. Total ang legacy naman naririyan na yan, hindi na mabubura ang legacy ng ating Pangulo,”ayon sa butihing Pastor.

Nauna nang sinabi ng PDP-Laban na magbibigay daan ang senatorial bets ng partido kung tatakbong senador ang Pangulo.

Sa ngayon ay napanatili ni PRRD ang “high approval at trust scores” sa third quarter ng taon na magandang senyales kung lalahok sa senatorial race ang punong ehekutibo.

SMNI NEWS